WALA TALAGANG GANON!

WALA TALAGANG GANON!

By: Pablo Basa

photo from www.tsquirrel.com
tulad ng Pag-ibig ko kay Behati, WALA TALAGANG GANON!

Hay! Sa panahon ngayon marami ang nanga-ngarap na magkaroon ng tunay, wagas at masayang lovelife. Yung tipong pinapangarap nilang sila na ang magkatuluyan habang-buhay! Yung tipong sana ikaw yung una at sana ikaw na ang huli niyang pagibig. Yung tipong pinagdadasal mo na walang dumating na malaking pagsubok sa inyong dalawa. Hay nako! WALA TALAGANG GANON! Maniwala ka, wala talagang ganon!

Yung tipong pina-pangarap mong kayo na ang magkatuluyan, ano Teh? Koya? Kayo lang ba ang tao sa mundo? Sigurado ka bang totoo yang nararamdaman nyo? Hala ka! Bakit nyo naiisip yan, nakita nyo na ba at nakilala ang lahat ng tao sa mundo? Hindi magandang thinking yan. Masama yan! Nararamdaman nyo lang yan pag magkasama kayo! hay nako! Walang ganon!

Yung tipong ikaw sana ang una at huli nyang pag-ibig? Hay nako! WALANG GANON! Mag-asawa nga nag hihiwalay pa eh! Eh kayo ma,am one month palang kayo nangangarapna kayo ng ganyan! Hindi yan healthy mga kababayan!

Yung tipong pinagdadasal mong walang malaking pagsubok ang dumating sainyong dalawa! Ano? Kayo lang ang anak ng diyos? Habang ang lahat ng tao nahihirapan lutasin ang mga problema nila sa buhay, gusto niyo chill lang kayo? Ano kayo peymus? Hay nako teh at koya! Walang ganon!

Hindi ako naniniwala sa forever kasi WALANG GANON! WALA TALAGANG GANON! Napatunayan ko naring walang forever. Gusto niyo malaman ang katibayan kong walang forever? basahin niyo ang The Science of Forever sa aking blogsite na naisulat ko rin (eto ang linkhttp://paulcuaresmabasea.blogspot.com/2014/12/the-science-of-forever.html ) Pero hindi naman ibig sabihin nun ay end of the world na! alam mo kasi yung salitang destiny? Meant to be? Oo alam kong hindi lang dapat hinihintay yun. Dapat tinatrabaho din yun. Ang akin lang naman chill lang dapat! Sabi nga ng kumpare kong si Piolo Pascual (YOLO) You only live once! Pero sakin dapat ang YOLO sa love ay: You only love once! Kaya dapat sure ka! Taena! Madali ka ng madali kasi eh!



Eto ha! I have a friend who is deeply inlove with his girl. Nag propose na nga at muntik nang ikasal yung dalawang yun eh. Pero at the end kahit na mahal na mahal nila ang isa’t isa hindi parin natuloy ang kasal kasi nga minamadali nila ang lahat. Ayun si girl nag pursue ng kanyang career at hindi namalayang mas mahal niya ang bagay na yun kaysa sa boyfriend niya. Yung tipong gumagawa kayo ng sarili niyong mundo na para sa inyo o para sayo lang! ay wag ganon! kasi WALA TALAGANG GANON!

PS: wala naman talagang ganon eh! Tulad ng nagsulat ng article na ito. Hindi siya totoo kasi WALA TALAGANG GANONG TAO!


Author’s note:
I do not intend to offend the beliefs and aspiration of anyone. It is my personal view and commentary. It is my way to entertain others. Any idea that can be true to you, is your problem not mine, so keep it yourself! Hahaha this article has nothing to do with others. It should not reflect/affect my family, profession, school, friends, others and the world.

Comments

  1. BITTER NA BITTER KA. IKAW BA YUNG NAGPROPSE?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” – Dr. Jose Rizal “KABATAANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, KUNG GAGABAYAN NG TAMA SA KASALUKUYAN”

SIMBANG GABI TO SIMBANG TABI (Filipino’s traditions and behaviors in simbang gabi nowadays)

Andres Bonifacio The Rightful And Lawful First President Of The Republic Of The Philippines?