“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” – Dr. Jose Rizal “KABATAANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, KUNG GAGABAYAN NG TAMA SA KASALUKUYAN”

“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” – Dr. Jose Rizal
“KABATAANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, KUNG GAGABAYAN NG TAMA SA KASALUKUYAN”

Ni: Pablo Basa


Lungsod ng Pasig, Republika Pilipinas – Isa sa pinaka tanyag na linya na binitawan ni Dr. Jose Rizal ay ang katagang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Ito ay hango sa kanyang tulang - A la Juventud Filipina (Sa Kabataang Pipilipino- 1879) na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingsiyam na taong gulang [1]. Umani ito ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, samahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining noong 1879. Mga Kastila’t katutubo ang lumahook sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang gantimpala [2]. “Kabataan ang pag-asa ng bayan” ilang beses mo na bang narinig ito? Atin itong maririnig sa napaka-raming okasyon. Mula sating mga Guro sa elementarya na wari’y walang katapusan ang mga litanya sa kanyang mga magaaral para lamang magtunog makabayan ang kanilang mga gawain. O kaya’y sa kampanya ng ating mga pulitiko na nagsusumamong tangkilin sila ng mga kabataang botante. Maririnig din ang mga salitang ito sa ating mga opisyales sa senado na nagdedebate sa mga isyung may kinalaman sa mga kabataan tulad ng pag-buwag sa Sangguniang Kabataan. Ngunit kung ang lahat ng ito ay ating paniniwalaan, ano pa nga ba ang nais iparating ng katagang ito?

Marahil iniisip nyo na sa mga henerasyong pinagdaan ng tulang ito ay magbabago ang ibig sabihin nito. Marhil ay oo, depende sa iskolar o taong magsasaliksik dito at magsasalin ng tulang ito. Ngunit nararapat pa ba ang linyang ito sa panahong ito? Masasabi kong oo, nguit sa lagay ng ating mga kabataan ngayon ay napakahirap na nitong isabuhay.

Ikaw? Naniniwala ka ba na sa panahong ito ay maisasabuhay mo padin ito? Hayaan nyo akong pagyamanin pa ang katagang ito. Ipinapanalangin ko na sa pamamagitan ng linyang ito ay mababago ang ating kasalukuyang bayan at sa hinaharap ay makamtan natin ang tunay na ipinaglaban ng mga bayani sa kalayaan. Umaasa akong kung tutulungan tayo ng mga tao sa kasalukuyan ay magagamit at maisasabuhay nating mga kabataang ang ninanais ng tulang ito para sa atin. “Kabataang ang pag-asa ng bayan, kung gagabayan ng tama sa kasalukuyan” ito na marahil ang pinaka tama at totoong magagawa natin sa kasalukuyan.

Tayong mga kabataan ay makakpag-ambag pa. simple lang ang kasagutan. Isa-puso at isabuhay natin na sa ating gagawin ay tayo ang pag-asa ng ating henerasyon at sa susunod pa. kung gagabayan tayo ng tama ngayon. Gabay na ang tanging layunin ay itaas ang antas nating mga kabataan at ihanda sa kinabukasan ng ating bayan.


1. Joey A. Lopez, 2012 - Demythologizing Rizal in Brief

2. Jose Rizal University 2004 – joserizal.ph

Comments

  1. pwede ba iyong gawin nyan para sa aking
    pangalan ko pala ay si
    ayiesha mhae c. labiste

    ReplyDelete
  2. nag pa gwa pala ako sa inyo kong sino man ang nag gwa nyan pls ko pa gwa din ako nya kasi hindi ako maronong mag isip nang mga ganyan pls lang para lang sa akin hindi ko kasi nya na ganyan pala ang gagawin

    ReplyDelete
  3. maraming salamat pala at sana ma gawa nyo ang aking makaka awa na pinapapagawa

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Andres Bonifacio The Rightful And Lawful First President Of The Republic Of The Philippines?

SIMBANG GABI TO SIMBANG TABI (Filipino’s traditions and behaviors in simbang gabi nowadays)