“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” – Dr. Jose Rizal “KABATAANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, KUNG GAGABAYAN NG TAMA SA KASALUKUYAN”
“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” – Dr. Jose Rizal “KABATAANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, KUNG GAGABAYAN NG TAMA SA KASALUKUYAN” Ni: Pablo Basa Lungsod ng Pasig, Republika Pilipinas – Isa sa pinaka tanyag na linya na binitawan ni Dr. Jose Rizal ay ang katagang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” . Ito ay hango sa kanyang tulang - A la Juventud Filipina (Sa Kabataang Pipilipino- 1879) na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingsiyam na taong gulang [1] . Umani ito ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, samahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining noong 1879. Mga Kastila’t katutubo ang lumahook sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang gantimpala [2] . “Kabataan ang pag-asa ng bayan” ilang beses mo na bang narinig ito? Atin itong maririnig sa napaka-raming okasyon. Mula sating mga Guro sa elementary...